Mga Resource ng Patas na Pabahay

Nangunguna para Wakasan ang Diskriminasyon sa Pabahay

Pinagsisikapan ng BayLegal na wakasan ang diskriminasyon sa pabahay at tiyakin ang patas na pagkakataon sa pabahay para sa lahat ng tao sa pamamagitan ng adbokasiya, edukasyon, at pagtulong. Kinakatawan ng BayLegal ang mga taong nadidiskrimina kaugnay ng pabahay batay sa lahi, etnisidad, pinagmulang bansa, kasarian, relihiyon, kapansanan, sekswal na oryentasyon, kinikilalang kasarian, at ikinikilos na kasarian, status ng pamilya, pinagkakakitaan, o iba pang pinoprotektahang class.

Naglabas ang BayLegal ng tatlong anunsyo sa pampublikong serbisyo sa Patas na Pabahay mula sa partner na ahensyang RYSE Youth Center ng Richmond.Tingnan ang mga ito dito:

 

Patas na Pabahay: Nadidiskrimina Ka Ba?

Ilegal bang ituring kang kakaiba ng landlord dahil sa alinman sa mga sumusunod:Lahi; Pinagmulang Bansa; Relihiyon; Kasarian; Sekswal na Oryentasyon; Kinikilalang Kasarian at Ikinikilos na Kasarian, Status ng Pamilya; Kapansanan; Edad; Pinagkakakitaan.

Posibleng nakaranas ka ng diskriminasyon sa pabahay kung mayroong ginawa ang landlord sa alinman sa mga sumusunod na pagkilos batay sa mga pinoprotektahang class na nakalista sa itaas:

  • Pinigilan kang maghanap ng apartment.
  • Ipinasa ka sa ibang apartment complex.
  • Gumawa ng mga paghahayag na nagsasaad ng kagustuhang hindi magparenta sa iyo dahil sa iyong lahi, marital status, edad, kapansanan, o dahil mayroon kang mga anak.
  • Sinabi sa iyong walang bakante pero ang totoo ay mayroon.
  • Tumangging tulungan ka dahil sa iyong kapansanan.
  • Nagpatupad ng naiibang mga panuntunan para sa mga pamilyang may mga anak.
  • Ginantihan ka sa pamamagitan ng abiso sa pagpapaalis dahil sa pagtutol sa hindi patas na pagtrato.
  • Tinanggihang magparenta sa iyo dahil sa pinagkakakitaan mo.

 

Kung biktima ka ng diskriminasyon sa pabahay, puwede kang humingi ng tulong.Tumawag sa aming Linya para sa Legal na Payo sa 800-551-5554 para sa tulong sa mga isyu sa patas na pabahay.Nagbibigay ang Legal Aid ng Bay Area ng libreng legal na tulong sa mga kwalipikadong tao sa:

  • Paggawa ng mga reklamo sa mga ahensya ng pamahalaan;
  • Pagsisiyasat sa hindi patas na pagtrato;
  • Panghihikayat sa mga landlord na sumunod sa batas;at
  • Pagsasampa ng kaso sa mga landlord sa korte, kung kinakailangan

 

Paano Maghain ng Reklamo sa Patas na Pabahay

Kung nakakaranas ka ng diskriminasyon sa pabahay, karapatan mong maghain ng reklamo sa patas na pabahay. Puwede kang maghain ng reklamo online, sa pamamagitan ng mail, o sa pamamagitan ng telepono sa

Kung kailangan mo ng tulong sa paghahain ng reklamo sa patas na pabahay, tumawag sa aming Linya para sa Legal na Payo sa 800-551-5554.

Mga Makatuwirang Tulong / Pagbabago

Ano ang ibig sabihin ng patas na pabahay sa mga taong may kapansanan? 

Sa pamamagitan ng mga batas sa patas na pabahay, nabibigyan ang mga taong may kapansanan ng proteksyon laban sa diskriminasyong posible nilang maranasan sa mga transaksyong nauugnay sa pabahay, gaya ng pagrerenta o pagbili ng unit ng bahay, pagkuha ng mga mortgage o pagbili ng insurance. Sa pamamagitan din ng mga batas na ito, nakakapagbigay ng mga tulong at pagbabagong nagbibigay-daan sa isang taong may kapansanan ng patas na access sa mga serbisyo at pabahay.

Ano ang “mga makatuwirang tulong?”

Ang mga makatuwirang pagbabago ay mga pagbabago sa mga panuntunan, patakaran, kasanayan, at paraan kung paano ibinibigay ang mga serbisyo para matiyak ang patas na pagkakataong ganap na magmay-ari ng bahay. Ang mga halimbawa ng mga pagbabagong ito ay pag-waive ng mga bayarin sa parking at ‘mga bisita’ para sa taong mayroong tulong sa pangangalaga sa bahay, pagtatalaga ng parking spot para sa may kapansanan sa tapat ng isang gusali, pagsasabi ng paalala kapag may kailangan nang bayarang renta ang isang taong may kapansanang nakakaapekto sa kanyang memorya, o pagpayag sa mga service animal kahit na may panuntunang ‘bawal ang alagang hayop.’ Karaniwang walang gastusing nauugnay sa mga makatuwirang tulong.

Ano ang “mga makatuwirang pagbabago?”

Ang mga kwalipikadong pagbabago ay mga pisikal na pagbabagong ginawa sa tirahan o pampublikong lugar para gawing naa-access ang espasyo. Ang mga halimbawa ng mga makatuwirang pagbabago ay paglalagay ng ramp sa tapat ng entrance ng gusali, paglalagay ng hawakan sa paliguan, paglalagay ng gripong awtomatikong nagsasara para sa taong may kapansanang dahilan para makalimutan niyang isara ang gripo, o paglalagay ng mga larawan o color-coded na karatula para tulungan ang taong may kapansanan sa pag-iisip at hirap magbasa ng mga nakasulat na karatula.

Sino ang may responsibilidad na bayaran ang “mga makatuwirang pagbabago?”

Nakadepende ang pagbabayad sa uri ng pabahay at mga batas na nalalapat dito. Kung makakatanggap ang landlord ng pederal na pondo, posibleng maging responsibilidad niya ang pagbabago hangga’t hindi ito nagdudulot ng malaking problema sa pananalapi o pangangasiwa. Kung napapailalim lang ang landlord sa Fair Housing Act, posibleng hindi niya kailanganing bayaran ang mga pagbabagong hiniling. Gayunpaman, iniaatas ng FHA na gawing naa-access ang itinayong bagong multi-family na bahay na hindi pa natitirahan pagkalipas ng Marso 13, 1991. Samakatuwid, mag-iiba-iba ang bawat sitwasyon.

Paano ko mapapatunayang may kapansanan ako nang hindi gaanong nagbibigay ng masyadong maraming impormasyon?

Karaniwang hindi ka puwedeng tanungin ng landlord kung may kapansanan ka. Hindi ka rin puwedeng hingian ng impormasyon tungkol sa iyong sarili kaugnay ng kapansanan mo maliban kung naghahanap ka ng bahay na idinisenyo para sa mga taong may kapansanan. Gayunpaman, puwede kang hingian ng landlord ng patunay kung humihingi ka ng makatuwirang tulong o pagbabago. Ang patunay na ito na kailangan mo ng tulong ay puwedeng magmula sa isang doktor pero hindi kailangang maghayag ng mga detalye ng kapansanan o medikal na history o tala.

Paano ako makakakuha ng tulong o pagbabago?

Dapat humiling ng tulong ang taong may kapansanan. Bilang tenant, responsibilidad mong tukuyin ang uri ng tulong o pagbabagong kailangan. Kailangan mong isulat ang kahilingan at tiyaking magtabi ng kopya para sa iyong sarili.

Kung tatanggi ang landlord na ibigay ang iyong kahilingan ng makatuwirang tulong o pagbabago, puwede nitong labagin ang iyong mga karapatan sa patas na pabahay.

May mga tanong ka ba? Tawagan ang BayLegal!

Puwedeng makatulong ang Linya para sa Legal na Payo sa 800-551-5554 na idirekta ka sa impormasyon, mga referral, o representasyon sa mga isyu sa patas na pabahay. (Pakitandaang hindi namin magagarantiya ang representasyon).

Matuto Pa Tungkol sa Batas sa Patas na Pabahay sa pamamagitan ng pagbisita sa

 

Para sa halimbawa ng liham ng makatuwirang tulong na puwede mong ipadala sa iyong sarili, pakibisita ang website ng Mga Karapatan ng May Kapansanan sa CA sa:
https://www.disabilityrightsca.org/publications/fact-sheet-disability-based-housing-discrimination

Ang gawaing pinagmumulan ng batayan sa publication na ito ay sinusuportahan ng pagpopondo sa ilalim ng grant kasama ang Department of Housing and Urban Development ng U.S. Ang nilalaman at mga resulta ng gawain ay para sa publiko. Ang awtor at publisher ang tanging responsable para sa katumpakan ng mga pahayag at kahulugang nasa publication na ito. Hindi sumasalamin sa mga naturang kahulugan ang mga pananaw ng Pederal na Pamahalaan.